TARGET ng isang grupo ng mga tagapagtaguyod ng Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan People’s Initiative (PI) na makakuha ng walong milyong pirma sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) Lead Convenor Noel Oñate, kumpiyansa sila na makuha ang kinakailangang 12 percent na pirma ng mga botante sa buong bansa.
Lalo na’t aniya sa bawat legislative district na lumahok dito ay nakakakuha ang grupong PIRMA ng tig-15 percent na lagda ng voters.
Target din nila na maisagawa ang plebisito para dito sa buwan ng Setyembre o Oktubre kung hindi maaari sa Hulyo.
Sa panig ng Commission on Elections (COMELEC), sakali na matuloy ang plebisito ay huwag itong isagawa sa buwan ng Oktubre ngayong taon dahil magsisimula na ang filing of candidacy hanggang Disyembre.
Pagpasok naman ng Enero hanggang Abril 2025 ay preparasyon na nga ito para sa midterm polls.
Para sa poll body, mainam na gawin ang plebisito tungo sa pagkakaroon ng Cha-Cha sa taong 2026 kung saan tapos na ang halalan.