Guarantee letter, pwede na muling gamitin sa Mercury Drug

Guarantee letter, pwede na muling gamitin sa Mercury Drug

INANUNSYO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simula ngayong araw, Hunyo 2, muli nang tatanggapin ang Guarantee Letter o GL sa 92 piling Mercury Drug branches sa buong bansa.

Ang Guarantee Letter ay opisyal na dokumentong ibinibigay ng DSWD sa ilalim ng mga programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Layunin nitong tulungan ang mga nangangailangan sa pagbili ng gamot sa mga partner establishment gaya ng Mercury Drug.

Makikita sa piling Mercury Drug branches ang signage na “DSWD Guarantee Letter is accepted here,” na palatandaan na tinatanggap nila ang GL. Ayon sa ahensya, makikinabang dito ang mga pamilyang may agarang pangangailangang medikal.

Para makakuha ng GL, magtungo lamang sa pinakamalapit na DSWD Field Office o Social Welfare and Development Office sa inyong lugar. Siguraduhing dalhin ang mga kinakailangang dokumento para maproseso ito nang maayos.

Para sa karagdagang impormasyon at sa buong listahan ng Mercury Drug branches na kasama sa programa, bisitahin lamang ang official website o Facebook page ng DSWD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble