Guidelines para sa international travelers sa Pilipinas, inilabas na ng Bureau of Immigration

Guidelines para sa international travelers sa Pilipinas, inilabas na ng Bureau of Immigration

INILABAS na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga guidelines para sa pagpasok at paglabas ng bansa ng mga international traveler.

Ito ay kasunod ng pag-alis ng gobyerno sa nationwide COVID-19 health emergency sa bansa.

Kabilang sa mga guideline na ito ang pagpresenta ng valid passport na may six months o may valid na visa ng mga inbound foreign tourists at temporary visitors.

Maliban lamang kung meron silang visa-free entry.

Pangalawa, kailangang magpakita din ang mga ito ng kanilanbg valid return ticket maliban lang kung asawa sila ng dagyuhan, anak ng nagbabalik-bansang Pilipino o mga dating citizens na may balikbayan privileges.

Pangatlo, kailangan ring magpresenta ng kanilang ACR i-card ang mga foreign immigrants at non-immigrants maliban sa mga may hawak na 9a visa (business) sa parehong arrival at departure inspection.

Hindi naman kasali sa electronic registraton requirement ang mga foreign dignitaries at kanilang dependents at ang mga foreign government officials.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble