Gutom na rebelde, isinuko ang sarili sa mga otoridad

Gutom na rebelde, isinuko ang sarili sa mga otoridad

ISANG tawag mula sa isang concerned citizen ang natanggap ng mga otoridad sa estasyon mula sa Barangay San Vicente, Banaybanay, Davao Oriental bandang alas-9 ng gabi Setyembre 16, 2022.

Ayon sa ulat, isang kahina-hinalang babae ang humihingi ng pagkain sa isang residente mula sa nasabing lugar at agad na ipinagbigay-alam sa otoridad.

Agad na tumungo naman ang pinagsanib-pwersa ng kapulisan at kasundaluhan para iberipika kung sino ang tinutukoy na babae.

Nang mapuntahan ay agad itong nagpakilala sa kaniyang pangalan na “Amihan”, 25 taong gulang at finance/education staff ng WGF 18 SRC 2 SMRC at miyembro ng partido sa loob ng 5 taon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng 48th Infantry Battalion PA Lupon, Davao Oriental ang nasabing miyembro ng CTG para sa pansamantalang disposisyon at tactical interrogation.

 

Follow SMNI News on Twitter