KUMPIRMADO na ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang unang kaso ng H5N9 strain ng avian influenza sa Pilipinas.
Sa ulat, nakita ito sa duck samples sa Camaligan, Camarines Sur.
Ipinag-utos na ngayon ng BAI na magpatupad ng disease control measures gaya ng quarantine, culling, surveillance at pagkakaroon ng koordinasyon sa mga lokal na awtoridad.
Ang Department of Health (DOH) ay minomonitor na rin ang posibleng human exposure rito.
Sa kabila nito, bagamat highly pathogenic o lubhang nakahahawang sakit sa mga ibon ay mababa naman ang dulot nito na banta sa mga tao.