PINANGUNAHAN ni Gingoog City Mayor Erick Canosa ang Halad Pagpangalad upang mabigyan ng libreng serbisyo ang bawat residente ng Barangay 26 ng lungsod.
“Muli andito kami ngayon para sa Halad Pagpangalad lahat ng barangay ng lungsod ng Gingoog ay naikot na namin mapaliblib man na mga barangay kasali na dito ang Barangay 26. Gayunpaman ang Barangay 26 mula ngayong taon ay nasa (listahan) ng pinakanangunguna (para sa Halad Pagpangalagad) pansamantala itong nahinto sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19 ngunit ngayon ay nagpapatuloy na (ang Halad Pagpangalagad),” pahayag ni Hon. Erick Canosa, City Mayor, Gingoog City.
Napapaloob sa Halad Pagpangalagad ang pagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng medical service, livelihood assistance, libreng gupit at marami pang iba.
Sa mensahe ni Canosa pinasalamatan nito ang suporta ng konseho at ang Halad Pagpangalad ay inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng nararapat na serbisyo ang mga mamamayan ng Gingoog.
Pinasalamatan din ni Canosa si Senator Koko Pimentel, Misamis Oriental Governor Peter Unabia at MisOr 2nd District Representative Christian Unabia sa pagbibigay ng cash assistance para sa bawat residente ng lungsod.