Halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Maring pumalo sa higit P692-M

Halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Maring pumalo sa higit P692-M

PUMALO na sa 692.04 milyong piso ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Maring sa sektor ng agrikultura hanggang kahapon.

Batay sa disaster response monitoring ng Department of Agriculture (DA), nasa 32,392 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa iniwang pinsala ng Bagyong Maring sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.

Nasa 36,537 na ektarya naman ng agricultural areas ang apektado at 43,984 metric tons ang volume ng production loss.

Kabilang sa apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestock at fisheries.

Bago ang pananalasa ng Bagyong Maring, sinabi ng agriculture department na 28,952 ektarya ng bigas ang na-harvest sa Region 1 at 2 na may katumbas na production na 141,635 metric tons na nagkakahalaga ng P2.08 bilyon.

Habang 13,776 ektarya ng mais naman ang na-harvest sa Region 2 na may katumbas na production na 55,654 metric tons na nagkakahalaga ng P779.15 milyon.

 

SMNI NEWS