Halaga ng pinsala sa agrikultura dala ng Bagyong Paeng, umakyat na sa P1.3-B –NDRRMC

Halaga ng pinsala sa agrikultura dala ng Bagyong Paeng, umakyat na sa P1.3-B –NDRRMC

UMAKYAT na sa 1.3 bilyong piso ang halaga ng pinsala ng Bagyong Paeng sa agrikultura sa bansa ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kung saan apektado rito ang nasa mahigit 58 libong ektarya ng mga pananim gaya ng mais, palay at iba pang crop products.

Habang umabot naman sa 53, 575 ang bilang ng mga apektadong magsasaka dulot ng nagdaang bagyo.

Pumalo na rin sa mahigit 17 milyong piso ang pinsala sa livestock, poultry at fisheries.

 

Follow SMNI News on Twitter