UMABOT na sa 117 ang mga manggagawa ng isang opisina sa Makati City na nahaharap sa kasong paglabag sa Data Privacy Act.
Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang opisina ay ginagamit bilang hub ng ilang online lending applications na nangha-harass ng mga nangungutang.
Sa kabuuan, 131 ang naaresto ng PAOCC mula sa naturang opisina, ngunit 14 sa kanila ang sumang-ayon na magbigay ng testimonya at hindi isasama sa mga kakasuhan.
Isinagawa ang raid noong Enero 31, 2025, ng PAOCC at National Bureau of Investigation (NBI).