HALOS 12K na foreign workers ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nakapag-downgrade ng kanilang work visas.
Batay ito sa datos ng Bureau of Immigration (BI).
Ang foreign workers ng POGO ay binigyan lang ng hanggang Oktubre 15 para makapag-downgrade ng kanilang work visas.
Ang sinumang hindi makapag-downgrade ng kanilang visas ay ipapa-deport o isasali sa blacklist.
Ang sinumang sumunod ay maaari pang makabalik sa Pilipinas.
Matatandaang ipinag-utos na ng pangulo ng bansa na ipahinto at ipatupad ang nationwide ban sa mga operasyon ng POGO bago matapos ang taong 2024.