Halos 160,000 depektibong balota para sa May elections, susunugin ng COMELEC

Halos 160,000 depektibong balota para sa May elections, susunugin ng COMELEC

NAKATAKDANG sunugin ng Commission on Elections (COMELEC) ang halos 160,000 balota para sa May 9 elections na ikinokonsiderang depektibo.

Sa pagharap sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na sa kasalukuyan ay may kabuuang 105,853 na balota ang nakitang may mga mantsa, hindi tama ang putol at kulay o walang unmatched timestamp.

Ayon kay Garcia, ang mga depektibong balota ay susunugin sa harap ng mga kandidato, political parties o kanilang mga kinatawan.

Samantala, sinabi ni Garcia na 82.4% o 55,573,298 balota mula sa 67,432,616 na total ballot ang naimprenta na.

Habang ang natitirang 18% ng mga balota na hindi pa na-imprenta ay hindi makasisiguro na walang depektibo.

 

2 milyong depektibong balota, idineklarang maayos

Hindi bababa sa 2 milyong balota para sa eleksyon sa Mayo 9 ang naunang itinuturing na depektibo.

Inamin ng bagong commissioner ng Commission on Elections COMELEC na si George Garcia na na-alarma siya at si Chair Saidamen Pangarungan na malaking bahagi ng 49.7 milyong balota na inimprenta sa National Printing Office (NPO) ay kailangang sirain.

Sa kalagitnaan ng pagtingin ng NPO noong March 15, kasama ang mga election watchers at media, iniulat ni Ballot Printing Committee Head Commissioner Marlon Casquejo na sa 49,737,783 na balota, 5,288,268 dito ay defective o hindi mapapakinabangan.

Ani Casquejo, ipinaliwanag ng printing committee na kaya maraming balota ang idineklarang defective ay dahil kapag may isang balota mula sa isang presinto ang nakikitang defective ay hindi na rin gagamitin ang ibang balota na kasama nito.

Sinabi ni Garcia na muli itong tiningnan ng ballot quarantine group ng NPO at matapos itong i-reverify ay nasa 2,092,677 na balota pala ang hindi depektibo.

Ang higit na 2 milyong balotang ito ay isinuli sa ballot exit group kasama ang iba pang balota na nakatakda namang ipamahagi sa mga presinto sa darating na April 20.

Follow SMNI News on Twitter