Halos 1K POGO workers ‘di pa nakakauwi—PAOCC

Halos 1K POGO workers ‘di pa nakakauwi—PAOCC

HALOS 1K manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang hindi pa nakakauwi sa kanilang mga bansa, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Ito ay sa kabila ng pag-alis ng 29 na Indonesians noong Sabado, Marso 29.

Sa ngayon, patuloy ang pagproseso ng deportation papers ng natitirang 947 POGO workers na nasa pasilidad ng ahensya sa Pasay.

Tiniyak din ng gobyerno na may lingguhang medical at dental checkups ang mga ito, alinsunod sa pandaigdigang batas para sa makataong pagtrato sa mga nakakulong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble