Halos 300 na natirang balikbayan boxes, pinakukuha na ng BOC

Halos 300 na natirang balikbayan boxes, pinakukuha na ng BOC

HINIMOK ng Bureau of Customs (BOC) ang mga may-ari ng nasa 294 na balikbayan boxes na kukunin na ang mga ito.

Ayon sa BOC, inabandona ang naturang balikbayan boxes ng mga forwarder matapos mabayaran mula sa abroad.

Hinikayat rin ng BOC ang mga overseas Filipino worker (OFW) at ang kanilang mga pamilya na makipagtulungan para matiyak na makakarating ang mga balikbayan box sa mga pinadadalhan ng mga ito.

Kasalukuyang nakaimbak ang 294 na balikbayan boxes sa Port Net Logistics, INC CFS Warehouse sa Sta. Ana, Manila.

Para naman sa mga mag-claim, makikita ang mga ito sa website ng BOC habang requirements naman ng pag-claim ay passport ng sender, isang valid government-issued id at proof of shipping tulad ng invoice o bill of lading na maaaring original o photocopy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble