Halos 300 PNR personnel, nagpositibo sa COVID-19

Halos 300 PNR personnel, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang halos 300 Philippine National Railways (PNR) personnel.

Ayon kay PNR Spokesperson Atty. Celester Lauta, 58 dito ay passenger-facing employees o mga manggagawa na madalas na humaharap sa mga pasahero.

Subalit tiniyak naman ni Lauta na palaging nagsasagawa ng disinfection sa bawat biyahe ng train.

Strikto ring nagpapatupad ng health protocols dito.

May random testing din sa mga pasahero para makita ang data o sample kung meron bang positibo sa mga mananakay.

Noong Biyernes, nagsimula ang random testing at ang lahat na pasaherong nagpositibo dito ay dinadala sa holding area habang nakikipag-ugnayan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.

SMNI NEWS