UMABOT sa 43,823 pulis sa 17 rehiyon ng bansa ang nabigyan ng promosyon.
Pinangunahan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang simultaneous oathtaking, donning at pinning of ranks ng second-level personnel.
Kabilang sa nabigyan ng promosyon ang mga may ranggong Patrolman hanggang Lieutenant Colonel na ginanap sa Camp Crame at iba pang yunit.
Nasa 1,172 police personnel din ang nabigyan ng promosyon sa PNP National Headquarters.
Binigyang-diin ni Gen. Azurin sa kanilang mga tauhan na walang puwang sa PNP ang mga sangkot sa iligal na droga.
Nabatid na ilang full-pledged Colonel at General ang nagsumite na ng courtesy resignation bilang bahagi ng internal cleansing dahil sa isyu ng iligal na droga.