PUMASA ang aabot sa 3,826 mula sa kabuuang 5,958 na aplikante sa Physician Licensure Examination (PLE).
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), ang mga pumasa sa pagsusulit ay inaatasan na magparehistro para sa kanilang professional identification card at certificate of registration online sa Disyembre 22-23; Disyembre 26-29; at Enero 2-5.
Samantala, inanunsiyo rin ng PRC ang matagumpay na seremonya sa ginanap na pagsusulit.
Matatandaang ang PLE ay ginanap noong Oktubre 2022 sa iba’t ibang lokasyon kabilang na ang Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.