Halos 50 indibidwal na na-trap sa kanilang tahanan sa QC dahil sa Habagat, nailigtas ng PH Air Force

Halos 50 indibidwal na na-trap sa kanilang tahanan sa QC dahil sa Habagat, nailigtas ng PH Air Force

BILANG karagdagang puwersa ng Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR), agad na rumesponde ang Philippine Air Force (PAF) sa mga residenteng apektado ng Habagat na pinalakas pa ng Bagyong Carina.

Sa pakikipagtulungan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, idineploy ng 520th Air Base Group at 505th Search and Rescue Group ang kanilang Disaster Response personnel at mga kagamitan upang sumaklolo sa mga apektadong lugar.

Umabot sa 48 indibidwal na na-trap sa barangay Diña Imelda sa Quezon City ang kanilang nailigtas gamit ang PAF M35 truck. Ligtas na naibiyahe papunta sa barangay evacuation center ang mga residente.

Sa huli, nangako ang PAF na sila ay mananatiling alerto at handa na magbigay ng kaukulang tulong habang patuloy na bumabangon ang bansa mula sa epekto ng sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble