Halos 500 LGUs, makatatanggap ng SGLG Awards—DILG

Halos 500 LGUs, makatatanggap ng SGLG Awards—DILG

HALOS 500 local government units (LGUs) ang kikilalanin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isasagawang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award ngayong Disyembre 13-14, 2023.

Sa kabuuang 493 SGLG awardees, 28 ay mga probinsiya; 64 ay mga lungsod; habang 401 ay mga munisipalidad.

Sa nabanggit din na overall LGU awardees, 22 dito ay seven-time passers habang 94 ang nakapasok sa listahan sa unang pagkakataon.

Pinaka may mataas na SGLG awardees ang Central Luzon na may 84; sinundan ng Ilocos Region na may 70; at Cagayan Valley na may 41.

Ipinaliwanag ni DILG Sec. Benhur Abalos, para magawaran ng SGLG Award, dapat makapasa muna ang mga ito sa iba’t ibang aspeto gaya ng financial administration, disaster preparedness, social protection at sensitivity.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble