UMABOT ng 79 katao ang mga nasawi matapos bumagsak ang bubong ng sikat na Jet Set Nightclub sa Dominican Republic, dakong 12:44 ng hatinggabi ng Martes, Abril 8, 2025.
Isa sa mga naipit sa trahedya ay ang merengue singer na si Rubby Perez na noo’y nasa entablado ng naturang nightclub.
Nandoon din sa nightclub at kasama sa mga nasawi ang retiradong pitcher ng Major League Baseball na si Octavio Dotel.
Sa ngayon ay nasa 370 rescuers ang kasama sa operasyon ng paghahanap ng survivors mula sa nasabing nightclub.