NAARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang halos 9,000 indibidwal kaugnay ng kampanya kontra loose firearms.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na mula Enero 1 hanggang Disyembre 15, 2023 ay 8,834 indibidwal ang nadakip sa iba’t ibang operasyon ng awtoridad.
Habang 44,652 baril ang nakumpiska, narekober, at isinuko.
Tiniyak ni Fajardo na paiigtingin nila ang paghabol sa mga hindi lisensiyadong baril.
Samantala, tututukan din ng PNP ang kaso ng indiscriminate firing ngayong holiday season para sa kaligtasan ng publiko.