Halos kalahating milyon ng mga kabataang Pinoy biktima ng online sexual abuse—2022 study

Halos kalahating milyon ng mga kabataang Pinoy biktima ng online sexual abuse—2022 study

HALOS kalahating milyon ang mga kabataang Pinoy na nabiktima ng online sexual abuse at exploitation noong 2022.

Ang iba pa ay posibleng hindi naipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Batay ito sa pag-aaral ng International Justice Mission Philippines at University of Nottingham.

Natuklasan din sa pag-aaral na 74% sa mga facilitator ng online sexual abuse ay mga kamag-anak o kakilala ng mga biktima.

Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagiging target ang mga kabataang Pinoy, lalo na ng mga dayuhan, dahil sa malawakang kahirapan sa bansa.

Magaling din ang mga Pilipino sa pakikipag-ugnayan gamit ang wikang Ingles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble