MAGPATUTUPAD ng halos P0.18 per kilowatt-hour (P0.1761/kwh) na taas-singil sa kuryente ng Meralco ngayong Mayo.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ito’y dahil sa mas mataas na generation charge.
Ang karagdagang singil ay katumbas ng P35 sa kabuoang bill ng mga pangkaraniwang customer na may konsumong 200 kwh kada buwan.
P53 sa komokunsumo ng 300/kwh, P70 sa 400/kwh at P88 sa 500kwh.
Tiniyak naman ng Meralco na gumagawa sila ng paraan na maiwasan ang ‘rotational brownouts’.