Upward trend ng COVID-19 positivity sa NCR, nagpapatuloy—OCTA

Upward trend ng COVID-19 positivity sa NCR, nagpapatuloy—OCTA

PATULOY ang naitatala ng OCTA Research na upward trend ng COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Sa datos, tumaaas pa sa 24.2% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 19.7% nitong nakaraang linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mataas ang posibilidad na tumaas pa ito sa 25% sa susunod na isa o dalawang linggo.

Ang positivity rate ay bilang ng mga nagpopositibo sa virus na isinasailalim sa COVID-19 test.

Ani David, hindi masasabi na ang pagtaas ng positivity rate ay dahil sa mababang bilang ng COVID-19 test sa NCR.

Samantala, nananatili namang mababa ang hospital bed occupancy na nasa 27%.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter