Halos P11-M na tulong-pinansyal, ipinamahagi ng NHA sa mga residente sa Batanes

Halos P11-M na tulong-pinansyal, ipinamahagi ng NHA sa mga residente sa Batanes

NAMAHAGI ng cash assistance ang National Housing Authority (NHA) sa 907 pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kiko sa lalawigan ng Batanes kamakailan.

Nasa halos P11 milyon ang ibinigay na tulong-pinansyal ng ahensya sa mga pamilya sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program.

Layunin ng NHA na agarang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad at sakuna gaya ng bagyo, lindol, pagbaha at sunog.

Labis naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Batanes sa inisyatibo na magagamit ng mga pamilya para muling maipagawa ang kanilang mga bahay dahil sa pinsala ng bagyo.

 

Follow SMNI News on Twitter