Ceremonial lighting sa 4 navigational lanterns ng PCG sa Batanes, isasagawa ngayong araw

Ceremonial lighting sa 4 navigational lanterns ng PCG sa Batanes, isasagawa ngayong araw

PANGUNGUNAHAN mismo ng mga matataas na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isasagawang ceremonial lighting ng apat na navigational lanterns nito sa Batanes ngayong araw December 9, 2022.

Matatandaang huling naikabit ang ikaapat na navigational lantern sa Batanes noong Disyembre 2, 2022.

Isinagawa ito sa Ivana Lighthouse na nagsisilbi rin bilang “tourist attraction” sa probinsya.

Bukod sa Ivana, ikinabit din ng PCG ang 3 iba pang navigational lanterns sa Sabtang, Mahatao, at Valanga.

Tungo ito sa pagtataguyod ng seguridad at kaligtasan ng mga bangka at barko na naglalayag sa katubigan ng Batanes.

Follow SMNI NEWS in Twitter