UMABOT na ng halos P16B ang nasamsam na mga pekeng produkto ng Bureau of Customs (BOC).
Batay ito sa kanilang datos mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Kabilang sa mga nasabat nilang kontrabando ay kagamitang elektroniko, mga kasuotan, at mga bag na may sikat na brand.
Ang mga operasyon ng BOC ay isinagawa sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Binigyang-diin ng BOC na patuloy ang kanilang mga operasyon laban sa smuggling at pagpasok ng mga pekeng produkto sa bansa.