HALOS P6-B halaga ng iba’t ibang uri ng droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, araw ng Biyernes, Oktubre 2023.
Ang mga sinunog na droga ay kabilang sa iba’t ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units.
Winasak ang mga ito sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 1.019 milyong gramo na nagkakahalaga ng P5.97-B kasama na rito ang nasamsam na shabu sa Manila International Container Port (MICP) noong nakaraang Oktubre 6, 2023.
Ang Thermal Decomposition, o thermolysis ay isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init.
Pinangunahan ang pagsusunog ng mga pangunahing ahensiya gaya ng PDEA, Dangerous Drugs Board, NBI, PNP at ilang kinatawan ng House of Representatives.