Halos P700M halaga ng shabu nasabat sa Pampanga

Halos P700M halaga ng shabu nasabat sa Pampanga

NAARESTO ang tinaguriang big-time supplier ng ilegal na droga sa bansa na isang Chinese national at kasabwat na Pinay sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Friendship Highway, Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga nitong Miyerkules, Mayo 14, 2025.

Nasamsam mula sa posisyon ng mga suspek ang 101 kilo ng shabu, na may estimated street value na P686,800,000.

Pawang nakasilid ang mga droga sa tea bags na karaniwang ginagamit ng mga nahuhuling suspek ng ilegal na droga.

Ayon sa inisyal na impormasyon, kinilala ang mga suspek na sina alias Wanng, 31 anyos, residente ng Clark, Pampanga, at alias Shaina, 24 anyos, residente ng Tarlac City.

Agad na ikinasa ang malalimang imbestigasyon at tracking sa iba pang mga kasabwat nito at kung saan kinukuha ang suplay ng mga ilegal na droga.

Naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng PDEA Intelligence Service; PDEA Regional Office-National Capital Region; PDEA Regional Office IV-A Pampanga Provincial Office, kasama ang support unit ng AFP-Counterintelligence Group at PNP Regional Police Drug Enforcement Units.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble