Hanggang ‘di nababago ang RA 9165, ‘di uubra ang cannabis medicine—PDEA

Hanggang ‘di nababago ang RA 9165, ‘di uubra ang cannabis medicine—PDEA

HANGGANG hindi nababago ang Republic Act (RA) 9165, ang cannabis o marijuana medicine, hindi pa rin ito uubra sa bansa.

Ayon sa isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kahit ano pang panawagan ng ilang grupo ng mga doctor, pareho pa rin ang kasagutan sa kanilang panukala, nasa kamay pa rin ng mga mambabatas ang disisyon para sa cannabis medicine.

Matatandaang, isa sa nagsusulong na maging legal ang cannabis medicine ay si Hon. Congressman Pantaleon D. Alvarez, district representative ng Davao del Norte, 1st District.

Si Alvarez din ang nag-author ng House Bill No. 6783, Decriminalization ng marijuana para ma-amendiyahan ang Republic Act No. 9165 or The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, nagsagawa naman ng inspeksiyon sa Bauwertek Corporation na gumagawa ng halamang gamot sa Guiguinto Bulacan si Cong. Alvarez kasama si Gomez.

Ipinakita ni CEO Bauertek Dr. Richard Nixon Gomez, ang mga laboratory equipment kung papaano gawin ang halamang gamot tulad ng malunggay, luyang dilaw, at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter