Hanggang P90-K coverage, inaalok ng PhilHealth sa pertussis patients

Hanggang P90-K coverage, inaalok ng PhilHealth sa pertussis patients

AABOT sa P90-K ang coverage na inaalok ng PhilHealth para sa mga pasyenteng may pertussis o whooping cough na kailangang mai-admit sa ospital.

Sa ngayon, ang rate ng pagpapa-confine kaugnay sa pertussis ay nasa P14-K hanggang P20-K lang (P13,780 hanggang P19,500).

Subalit kung ito ay magiging severe pneumonia na ay saklaw na ito sa inaalok na P90-K coverage ng state health insurer.

Para naman maka-avail sa package ay magparehistro muna ang isang pasyente sa accredited na PhilHealth Konsulta provider.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble