INAASAHANG makararanas ng hanging amihan at shear line ang iba’t ibang parte ng Pilipinas.
Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makakaranas ng maulap na kalangitan, pag-ulan at kidlat na dala ng shear line ang Bicol Region, East Visayas, Central Visayas, at Dinagat Island.
Pinaalalahanan din ng PAGASA ang mga residente sa nasabing lugar hinggil sa posibilidad na magkaroon ng baha at landslide bugso ng malakas na ulan.
Samantala, makararanas din ng pag-ulan na dala ng amihan ang Cagayan Valley, CAR, at Aurora.
Aasahan din ang mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon.
Follow SMNI News on Rumble