Harry Roque, no show sa imbestigasyon ng DOJ dahil walang natatanggap na subpoena

Harry Roque, no show sa imbestigasyon ng DOJ dahil walang natatanggap na subpoena

NO show sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) si dating Malacañang Spokesperson Atty. Harry Roque para sa reklamong qualified human trafficking na inihain laban sa kaniya ng PNP CIDG at Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Dahil wala ito sa pagdinig, wala itong naihaing counter affidavit o kontra salaysay sa reklamo laban sa kaniya.

“If he fails to appear or participate in the preliminary investigation, the complaint will be resolved based on the complaint and the evidence annexed to the complaint,” ayon kay Eugen Yusi, Prosecutor.

Sa ipinadalang mensahe naman ni Roque, sinabi nitong wala naman siyang natatanggap na subpoena para daluhan ang pagdinig.

Wala rin aniya siyang natanggap na kopya ng reklamo kaya’t wala siyang maibibigay na kontra salasay sa prosekusyon.

“I did not get any notice or subpoena to attend the Department of Justice preliminary investigation on qualified human trafficking.  Neither have we been furnished a copy of the complaint affidavit therefore we could not file a counter affidavit,” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Malacañang Spokesperson.

Sa pagdinig, naghain ng supplemental complaints o dagdag na reklamo ang PNP CIDG laban kina Roque at sa iba pang respondents.

May mga iniharap din umano silang mga testigo raw laban sa kanila.

Una nang pinabulaanan ni Roque ang mga akusasyon sa kaniya.

Sinabi nitong biktima siya ng political persecution ng kasakulukuyang administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble