Heart Evangelista, maagang ipinagdiwang ang kaarawan kasama ang asawang si Chiz Escudero

Heart Evangelista, maagang ipinagdiwang ang kaarawan kasama ang asawang si Chiz Escudero

MAAGANG ipinagdiwang ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang kaarawan nito kasama ang kaniyang asawang si Senator Chiz Escudero at ilang malalapit nitong kaibigan sa Tagaytay.

Nakatakdang ipagdiwang ni Heart ang kanyang mismong kaarawan sa Araw ng mga Puso sa February 14 at kanilang anniversary ni Chiz bilang mag-asawa sa February 15.

Matatandaan na naging laman si Heart ng mga headline matapos itong magpost kasama si Escudero noong New Year’s Eve na naging kumpirmasyon na hindi pa hiwalay ang mag-asawa sa kabila ng mga umuugong na chismis sa estado ng kanilang relasyon.

Madalas ngayong nananatili si Heart sa Paris kung saan kumuha rin ito ng apartment dahil sa kanyang commitment at partnership sa iba’t ibang luxury brands doon.

 

Follow SMNI News on Twitter