Interior minister na responsable sa Itaewon crowd rush, na-impeach

Interior minister na responsable sa Itaewon crowd rush, na-impeach

NA-impeach na ang interior at safety minister ng South Korea na si Lee Sang-Min na responsable sa kabiguan ng gobyerno na magkaroon ng disaster planning kung saan nagdulot ng pagkasawi ng maraming indibidwal sa isang crowd rush sa Itaewon.

Ang impeachment na ito ay nagsuspinde kay Lee mula sa mga duty nito at mayroong 180 araw ang constitutional court para desisyunan kung tuluyan itong tatanggalin o ibabalik sa pwesto.

Si Vice Minister Han Chang Seob ang magiging acting minister hanggang magdesisyon ang Constitutional Court.

Matatandaan na 160 katao ang nasawi sa Itaewon noong Oktubre ng nakaraang taon dahil sa isang crowd rush.

Si Lee ay isang kaalyado ni Conservative President Yoon Suk Yeol kung saan nagpalabas nga ito ng iritableng pahayag sa impeachment ng ministro at inakusahan ang oposisyon sa pagbabalewala sa mga prinsipyo nito.

Si Lee ang kauna-unahang cabinet minister na na-impeach ng national assembly dahil ang huling na-impeach ng mga ito ay ang conservative president na si Park Geun-Hye noong 2016.

Follow SMNI NEWS in Twitter