Heartbreak Bill, inihain sa Kamara

Heartbreak Bill, inihain sa Kamara

INIHAIN ni Cagayan de Oro (CDO) Rep. Lordan Suan ang House Bill No. 9931 (Heartbreak Recovery and Resilience Act).

Nilalayon nitong tugunan ang performance at engagement ng isang manggagawa sa kaniyang trabaho dulot ng paghihiwalay.

Sa panukala, ipinaliwanag ni Suan na nakakaapekto sa emotional at mental well-being ng isang tao na nagreresulta ng hindi produktibong pagtatrabaho kung sakaling nakaranas ito ng hiwalayan.

Dahil dito, target ng panukala na bigyan ng time at space ang emotional processing ng isang tao para muli itong makapag-focus at makapagtrabaho nang maayos sa kaniyang pagbalik.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble