Heat index sa Virac, Catanduanes, nasa “Danger Category” na–PAGASA

Heat index sa Virac, Catanduanes, nasa “Danger Category” na–PAGASA

AABOT sa 43 hanggang 46 degrees celsius ang heat index sa Virac, Catanduanes para sa March 18 hanggang March 19 ayon sa tansya sa PAGASA.

Sinabi ng Weather Forecasting Agency, dapat magkaroon ng hakbang ang mga residente para malabanan ang sobrang init na itinuturing nang nasa “Danger Category”.

Halimbawa na dito ang pag-inom ng maraming tubig; hanggat maaari ay iwasan ang uminom ng tsaa, kape, soda drinks at alak.

Ugaliin ring magdala ng payong at sombrero maging ang pagsuot ng mga damit na may mahahabang manggas.

Ang 42 hanggang 51 degrees celsius na heat index ay nagiging sanhi ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter