PINAAALALAHANAN ng PhilHealth ang publiko na saklaw sa kanilang coverage ang mga karaniwang sakit na dulot ng tag-init.
Kasabay ito sa babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na aabot sa danger levels ang mga heat index sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa state health insurer:
- Ang inpatient package para sa heatstroke, heat exhaustion, heat collapse, heat cramp, at sunstroke ay nagkakahalaga ng P12,675
- P18,135 ang para sa heat fatigue at iba pang epekto ng init at liwanag
- Nasa P7,800 ang para sa katamtaman hanggang malubhang dehydration
- P7,800 rin ang inpatient package para sa bulutong na walang komplikasyon
- P19,500 ang para sa typhoid fever
- P16,575 ang para sa sore eyes / conjunctivitis
- P11,700 ang para sa nakakahawang pagtatae / acute gastroenteritis
- Habang ang lason mula sa marine animals tulad ng jellyfish o dikya, anemone o isang hayop na mukhang bulaklak sa dagat, shellfish at starfish ay nasa P11,115 ang inpatient package
Binanggit din ng PhilHealth na saklaw ng kanilang Outpatient Emergency Care Benefit Package ang mga miyembro at dependents nito. Maaari itong magamit sa alinmang accredited hospital mula level 1 hanggang 3.
Follow SMNI News on Rumble