NAMAMAYAGPAG hanggang ngayon ang hit film nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ‘Hello, Love, Again’.
Sa post ng kanilang production companies, ibinahagi nito na umabot na sa 1.6 billion pesos ang worldwide gross ng pelikula.
November 13 noong nakaraang taon nang mag-premiere ang ‘Hello, Love, Again’ at ngayon ay ikinokonsidera ang pelikula bilang ‘highest-grossing’ Filipino movie of all time.
Nilagpasan na nito ang 2023 film na ‘Rewind’ nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nagkaroon lang ng worldwide gross na 924 million pesos.