Hidilyn Diaz, pinaghahandaan na ang 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, pinaghahandaan na ang 2024 Paris Olympics

KASALUKUYAN nang pinaghahandaan ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz ang 2024 Paris Olympics.

Ayon sa weightlifter, lilipat na siya mula sa 55 kg division papuntang 59 kg kaya nararapat lang aniya na paghandaan niya ito nang maigi.

May ideya o napag-aralan na rin aniya kung ano ang performance at techniques ng mga weightlifter sa naturang division na kanyang lilipatan.

Inamin ni Hidilyn na magiging mahirap ang diet at training niya para dito subalit pagsusumikapan aniya para sa Pilipinas.

Noong December 2022 ay nasungkit ni Hidilyn ang 3 gintong medalya mula sa 2022 IWF World Weightlifting Championships sa Colombia.

Samantala, nakatakda namang sumali si Hidilyn sa 5 pang qualifying tournaments bago ang Paris Olympics.

Dalawa dito ay ang compulsory events na 2023 IWF World Championships sa Saudi Arabia sa September at ang 2024 IWF World Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter