NASA mahigit 200-K trabaho ang inialok ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Labor Day Jobs Fair Nationwide.
Maraming dumagsa – sa pag-asang makakuha ng inaasam na trabaho.
Pero sabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, sa kabila ng malaking bilang ng mga available na trabahong inialok ng ahensiya ay mahigit 50 dito ang hindi napunan.
Paliwanag din ng kalihim, isa rin sa mga dahilan kung bakit bigong matanggap ang isang job seeker ay dahil hindi tugma ang trabahong inaaplyan ng mga ito sa kanilang kwalipikasyon.
Dapat din aniyang maging presentable ang aplikante at ang mga dokumento na hawak nito kung haharap sa panahon ng interview.
Samantala ayon sa DOLE, batay sa mga ulat mula sa rehiyon noong Mayo 3, 5, at 12, 2024 naghahanap ng trabaho na pumunta sa 97 job fair sites sa mga lalawigan sa buong bansa ang na-hire-on-the-spot.
Karamihan sa kanila ay natanggap para sa mga posisyon, tulad ng service crew, cashier, sales associate, production operator, sales clerk, production crew, online teacher, at kasambahay.
Ang mga initial tally ay maaari pang madadagdagan dahil ang isinasagawang job fair ay tatagal hanggang Mayo 9, 2024 sa mga piling lugar.