MAHIGIT 1,000 estudyante sa iba’t ibang barangay ng probinsya ng Antique ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags mula kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Ibinahagi ni Vice President Duterte sa mga estudyante ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagkakaroon ng determinasyong makatapos ng pag-aaral.
Paliwanag ng pangalawang pangulo na ang mga ito ang magiging susi nila upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Personal ding nakipag-diyalogo si Vice President Duterte sa mga guro upang pakinggan at tugunan ang kanilang mga hinaing sa loob ng sektor ng edukasyon.