UMABOT sa 2,304 pulis ang naparusahan sa iba’t ibang paglabag bilang bahagi ng internal cleansing program.
Ito ang inihayag ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Abalos, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Agosto 2, 2023, 583 ang na-dismiss, 129 ang na-demote, at 978 ang nasuspinde.
Habang 81 ang na-forfeit ang sahod, 424 ang na-reprimand, 61 ang napatawan ng restriction at 48 ang na-withhold ang probilehiyo.
Nilinaw naman ni Abalos na marami pa rin ang matitinong pulis at wala pang isang porsiyento ng mahigit 200,000 pulis ang nakagawa ng kamalian at nakasuhan.