NAKATAKDANG dumating ngayong araw ang panibagong batch ng Sputnik V vaccine sa bansa mula Russia.
Nasa kabuuang 2,805,000 doses ng Sputnik V vaccine ang inaasahang darating mamaya.
Ayon sa National Task Force COVID-19 sa bakunang darating 1,402,500 dito ang Component-1 at parehong bilang sa Component-2.
Ang mga naturang bakuna ay inaasahang darating sa Villamor Airbase via Flight AWB9214 Volga-Dnepr Airlines na lalapag pasado alas siyete mamayang gabi.
Sa huling tala nasa kabuaang 110,646,500 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating na sa bansa simula noong Pebrero ng taong ito.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., target ng pamahalaan na magsagawa ng National Vaccination Day sa bansa kung saan limang milyong doses ng bakuna ang ituturok sa mamamayang Pilipino.
Dahil na rin sa dami ng mga bakuna sa bansa hinihimok din ni Galvez ang mga local government unit (LGUs) na gumawa ng local ordinances na susuporta sa kagustuhan ng iba “no vaccine” policy nang sa gayon magagamit ang lahat ng mga supply na bakuna.
BASAHIN: Pilipinas, makakatanggap ng mas maraming Sputnik V COVID-19 vaccine