MAHIGIT 33,349 milyong katao na ang nagparehistro sa kani-kanilang Local Government Units (LGUs) upang makakuha ng bakuna kontra COVID-19
Ito ang inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kanyang ikinalulugod ang patuloy na pagbaba ng vaccine hesistancy dahil sa full blast campaign para sa vaccination.
Ikinatuwa rin ni Año ang mga paraan at pakulo ng mga LGUs para lang maengganyo ang lahat na magparehistro at magpabakuna.
Inulit naman ng DILG Chief na sa pamamagitan lamang ng pagpapabakuna ay makakamit ng bansa ang level of population protection upang unti-unting maging bagong normal at makarekober sa pandemya.