Higit 4-M konsyumer ng Meralco, naapektuhan ng power interruption dahil sa Bagyong Paeng

Higit 4-M konsyumer ng Meralco, naapektuhan ng power interruption dahil sa Bagyong Paeng

UMABOT sa 4.058 milyong mga customer ng Manila Electric Company (Meralco) ang apektado ng power interruption dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng.

Batay sa pinakahuling datos ng Meralco, mahigit 350,000 ng mga customer ang nawalan ng kuryente.

Karamihan sa mga ito ay nasa Metro Manila at karatig lalawigan gaya ng Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Rizal, at Quezon.

Humingi naman ng pasensya si Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga sa mga naapektuhang konsyumer.

Sinisikap na nilang maibalik ang supply ng kuryente lalo na sa mga lugar na mahirap mapuntahan dahil sa baha gaya ng Laguna, Cavite, at Bulacan.

Pagtitiyak pa ng Meralco na patuloy ang kanilang mga tauhan sa pagbabalik ng supply ng kuryente sa madaling panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter