Higit 4M botante, tinanggal na sa listahan ng COMELEC

Higit 4M botante, tinanggal na sa listahan ng COMELEC

UMABOT sa mahigit 4 na milyong botante ang tinanggal na sa opisyal na listahan ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon sa datos ng ahensiya, nasa 4,237,054 ang natanggal dahil hindi nakaboto ang mga ito ng dalawang beses.

Ang 1,829 naman ay dahil sa kautusan ng korte; 525 ang bigong na-validate ang kanilang records; 3 ang nawala ang kanilang Filipino citizenship; habang 2 ay nawala ang eligibility dahil convicted sa mga seryosong paglabag sa batas.

Ang CALABARZON (Region 4-A) ang may pinakamataas na bilang ng tinanggal na botante.

Sinundan ito ng Central Luzon habang ang Cordillera Administrative Region ang may pinakamababang bilang ng mga tinanggal na botante.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble