TUMANGGAP ang 548 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Caraga Region ng kanilang mga titulo ng lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Katumbas ito ng higit sa 634.2980 ektarya ng lupang pang-agrikultural sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, at Dinagat Island.
Bukod sa certificates of landownership award (CLOA), ang ibang benepisyaryo ay nakatanggap ng electronic titles sa ilalim ng Support to Parcelization of Land Titles (SPLIT) project.
Layunin nito na hatiin ang mga lupang dati nang iginawad sa ilalim ng collective CLOAs at mag-isyu ng indibidwal na titulo ng lupa sa mga ARB.
Matapos ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa, nagkaloob din ang DAR ng iba’t ibang makinarya at kagamitan sa agrarian reform beneficiary organization sa rehiyon.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Kamara para sa pagpapalawak ng suporta sa mga magsasaka.
Kabilang ang planong gawing libre na ang amortization ng mga lupaing ibinigay sa mga magsasaka.