NASAMSAM ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang ang 10.3 milyong pisong halaga ng iligal na droga.
Ito ay kasunod ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) mula April 18 – 23.
Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Faro Antonio Olaguera, isinagawa nila ang 25 law enforcement operations kabilang ang 4 buy-bust operations, 19 pagsisilbi ng warrant of arrest, at isang search warrant.
Nahuli nila ang 24 suspek habang nakumpiska ang isang baril, 56 gramo ng shabu at 50,000 piraso ng marijuana plants
Binigyang-diin ni Olaguera na ibinabangon nila ang imahe ng PDEG kaya tinututukan nila ang pagiging transparent sa operasyon.
Si Olaguera ang pumalit kay dating PDEG Director Police Brigadier General Narciso Domingo na iniuugnay sa 6.7 bilyong pisong halaga ng shabu sa Maynila noong nakaraang taon.