Higit P162-M halaga ng tulong, naibigay sa mga apektado ng oil spill

Higit P162-M halaga ng tulong, naibigay sa mga apektado ng oil spill

UMABOT na sa mahigit 162 milyong pisong halaga ng tulong na naibigay sa mga apektado ng oil spill matapos lumubog ang MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Marso 29,

Kabilang sa naibigay na tulong ng gobyerno ay ang family food packs, financial aid, medical supplies, at iba pang pangangailangan.

Habang umabot na sa 36,658 pamilya o 172,928 indibidwal ang naaapektuhan ng oil spill sa 163 barangay sa Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Nakapagtala rin ng 203 indibidwal na nasaktan.

Samantala, nasa 263 milyong piso ang halaga ng pinsala ng oil spill sa agrikultura, kung saan apektado ang kabuhayan ng 16,930 magsasaka at mangingisda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter