Higit P172-M tulong, naipamahagi sa apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon

Higit P172-M tulong, naipamahagi sa apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon

UMABOT na sa P172.1M ang halaga ng tulong na naipamahagi ng pamahalaan para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Mula sa naturang halaga, P109.9M dito ay ipinamudmod sa Central Visayas habang P62.2M naman ang sa Western Visayas.

Nasa 10,032 ang kabuuang mga pamilyang nakinabang sa tulong na ito.

7,551 pamilya ay nagmumula sa Western Visayas at 2,481 pamilya mula sa Central Visayas.

Samantala, kalakip sa relief goods na ipinamahagi ay family food pack, hygiene kit, sleeping kit, generator set, at tulong pinansiyal.

Sa ngayon, 57 lungsod at munisipalidad ang idineklara sa ilalim ng state of calamity dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon.

32 bayan at siyudad sa Western Visayas habang 25 naman sa Central Visayas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble